July 27, 2008
Procrastination - Integral Calculus
Ehem. Ehem. Kamusta naman ako? Ayun. Problemado. Bakit problemado? Dahil may exam ako bukas sa Integral Calculus at hanggang ngayon wala pa akong naintindihan sa application ng Indefinite Integration. Nakakatamad kasi mag-aral ng math. Lalong-lalo na kapag alam mong bagsak ka sa prelim, babagsak sa midterm at prefinals. In short, babalikan mo next sem. Nakakawalang gana pero go pa rin. (ganun talaga ang buhay, man!)
Minsan iniisip ko, ano kaya ang mangyayari sa akin kapag nabagsak ko ito this semester? Ano kaya ang gagawin ng mga taong nagpapa-aral sa akin kapag nabagsak ko ito? Baka hindi na nila ako pagpapa-aralin at magiging tambay na lang sa bahay habambuhay! Sarap nun! Ayun, alam kong nag-oover react na ako. Pasensya. Pasensya. OA lang talaga ako minsan. 😂
Nagugutom ako, hmm.. gusto kong kumain ng spaghetti kaso wala akong ingredients at hindi ako marunong magluto. Kanina lang nagtanong si Jonji sa akin kung paano magluto ng adobo dahil parang mali raw yung steps niya. May steps pa pala yun? 😂 At ngayon lang, nag-GM si Mikki sa YM at ang sabi: Pancit Canton + Sardines = Spaghetti. How timely! And because I'm craving for spaghetti, gusto ko i-try ang sinabi niya. Ano kaya lasa nun? 😂
Ten-thirty na, Kailangan ko na mag-aral. Sana may matutunan at maintindihan ako. Good luck sa akin. 💪
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
lutuan kita ng spaghetti! :D
ReplyDelete:D
ReplyDeleteYiiii ang sweet mo ming!
ReplyDelete