This post is for my college friend, Mark, who has been writing poems during our last week of summer classes.
This is what you get when you have a friend who's been brokenhearted for days now.
TUNAY NA KAIBIGAN
I.
Simula't sapul nung nakilala kita,
Alam kong ikaw ay pansamantala,
Hindi man tayo araw-araw na nagkasama,
Alam kong ikaw at ako ay masaya.
II.
May mga pagkakataong tayo ay nagkatampuhan,
Ngunit gayun pa man
Simula ng ating samahan,
Ito ay ating malalampasan.
III.
Sa malaking dagok sa aking buhay,
Ikaw ay nariyan na nag-aalay,
Di ka natakot na ikaw ay mangalay
sa kahihintay na ako ay muling magkamalay.
IV.
Kaya sa mga araw na ito,
Nais kong malaman mo
Na ako ay nagpapasalamat sayo.
Pinalakas mo ang loob ko,
binigyan mo ng halaga ang buhay ko.
Kaya, salamat aking tunay na kaibigan.
NASAAN KA KAIBIGAN KO?
I.
Sa panahong kailangan ko ng karamay,
Nasaan ka?
Ikaw ay nakikitagay
Sa mga taong walang magawa sa buhay
Kundi umasa kay nanay at tatay.
II.
Nasaan ka kaibigan ko?
Sa panahong kailangan ko ang tulong mo?
Kay tagal na panahong ako ay naghihintay sayo.
Hindi ko matanto ang anino mo!
III.
Nasaan ka?
Alam ko ay nalimot mo na.
Nalulungkot ako dahil ikaw ay naging isa
sa mga kaibigan kong mapansamantala.
SANA AY MALIMOT KO NA
I.
Sana ay malimot ko na
Ang mga panahong walang kasing saya.
Sa piling mong walang kasing ligaya
Dahil sa pagmamahal mong aking nadarama.
II.
Sana ay malimot ko
Ang mga yakap mo na aking gusto.
Ang mga ngiti mong aking namamasdan
At sa pag gising ko'y aking nasilayan.
III.
Sana ay malimot ko na,
Noong ako ay sa iyo pa,
Gusto ko nang mag-umpisa,
Nang bagong buhay na maligaya.
No comments:
Post a Comment