Poems of Mark
This post is for my college friend, Mark, who has been writing poems during our last week of summer classes. This is what you get when you have a friend who's been brokenhearted for days now. TUNAY NA KAIBIGAN I. Simula't sapul nung nakilala kita, Alam kong ikaw ay pansamantala, Hindi man tayo araw-araw na nagkasama, Alam kong ikaw at ako ay masaya. II. May mga pagkakataong tayo ay nagkatampuhan, Ngunit gayun pa man Simula ng ating samahan, Ito ay ating malalampasan. III. Sa malaking dagok sa aking buhay, Ikaw ay nariyan na nag-aalay, Di ka natakot na ikaw ay mangalay sa kahihintay na ako ay muling magkamalay. IV. Kaya sa mga araw na ito, Nais kong malaman mo Na ako ay nagpapasalamat sayo. Pinalakas mo ang loob ko, binigyan mo ng halaga ang buhay ko. Kaya, salamat aking tunay na kaibigan. NASAAN KA KAIBIGAN KO? I. Sa panahong kailangan ko ng karamay, Nasaan ka? Ikaw ay nakikitagay Sa mga taong walang magawa sa buhay ...