Branded Ba?
Kanina lang sumakay ako ng jeep pauwi sa bahay. Nakaupo ako sa dulo. May katabi akong naka-dilaw na t-shirt, berde na skinny jeans, pink na tsinelas at pulang bag na parang pinaliguan ng kiwi sa sobrang kintab. Sa harap ko naman ay isang lalaking naka shades, black na sando, bughaw na gusot gusot na panatalon, tsinelas na maitim at may hawak na papel sa kanang kamay. Pagkatapos kong pansinin silang dalawa, naalala ko bigla na may binili pala akong vitwater na color blue sa isang convinience store malapit sa paaralan kanina. Agad-agad kong kinuha ito sa loob ng bag at binuksan para inumin. Pagkatapos, ibinalik ko ito sa loob ng bag at tumingin sa labas ng parang bintana ng jeep. Napatingin ako sa sapatos kong chuck taylor at tiningnan na rin ang tsinelas nung lalakeng nakaupo sa harapan ko. Hangang-hanga ako sa paa niya, mabuti pa ang paa niya, naka Hvaians. Tumingin ako sa tsinelas ng babaeng nakaupo sa tabi ko. Hindi ito Hvaians, pero malinis ang paa niya kung ikumpara mo sa lalaken...